Try lang ng Try until you Succeed
Super adventurous kong tao na kahit ano sinusubukan ko. Even when it comes to business, lumalabas pagiging adventurous ko. Meaning? Ang dami ko nang sinubukan na business na kahit na wala akong napapala kapag may nakita akong interesting ulit, ittry ko ulit gawin. Paminsan nanghihinayang ako sa pera ko kasi parang napupunta sa wala kasi wala naman bumabalik. True, pero at some point narealize ko na by joining those kinds of business even walang bumabalik financially, may learnings naman na nagsstay sakin.
Alam mo yung feeling na alam mo sa sarili mo na someday yayaman ka? Na may right timing din para sayo to get your break in life. Lagi ko yun naiisip at talagang iniisip ko sya. I believe in what they say as law of attraction na the more na iniisip mo na makukuha mo ang isang bagay, the more na may chance na mas makuha mo to. There's no specific time pero makakamit mo rin un. I learned that in the business world there's really no overnight success pag meron turo mo sakin hahaha!Joke! Pag meron, matakot ka kung ano un. Even mga billionaires, hindi naniniwala dun. SI Henry Sy, he started from the bottom. He took risk and went out of his comfort zone. Hindi naging madali ang success niya sa buhay pero tignan mo naman ngyon he is one of most richest man in the Philippines. Tama ba? Imagine mo sarili mo na ganun ung fire within you to take action. I just hope ganun ako.
What is my point?
Even though na nasa point ka ngyon ng buhay mo na gustong gusto mo maging successful pero kahit anong gawin mo parang may mali, all you have to do is to take a rest and reflect sa mga ginagawa mo. Like tama ba ang system na ginagamit ko? May hindi ba ako nagawa kaya hindi nag work strategy ko? Isa sa mga natutunan ko pa ay trial and error talaga sa business, you just need to find the right strategy. Kaya try and try lang until you succeed kasi at the end nasa atin pa rin ang huling halakhak.
Thanks to the right mentors na nakilala ko kaya ko natutunan to. Tamang system at tamang tao lang talaga kailangan natin paminsan to help us achieve our goals.
Comments
Post a Comment